Lala's Point of View "Hoy, Lala! Gumising ka nga r'yan!" Isang pamilyar na tinig ang bigla kong nadinig matapos panandaliang mawalan ng malay. Hindi ako maaring magkamali. Ang maliit at napakatinis na tinig na 'yon ay isa lamang ang alam kong nagmamay-ari. Dali-dali akong nagmulat ng mga mata at agad siyang hinanap. "R-Rue? Ikaw ba 'yan? Nasaan ka?" tanong ko habang palinga-linga habang binabalot ng kaba't matinding pananabik. Sa kasamaang-palad, wala akong nakitang maliit na nilalang na lumilipad sa paligid. Dismayadon na lamang akong napayuko ng ulo ngunit nang mapagtanto kung nasaan na ako ay mabilis ko ring inangat muli ang aking tingin at nakita ang kristal kung saan naroon pa rin ang aking anak na si Rio. Hindi ko akalain na nasa harapan na pala ako ng kristal. Buong akala ko'y