"No! I can't Marry her!! I can't! I don't that!!" Pa ulit-ulit na sinasabi nya sa sarili habang nagmamaneho. Hindi nya alam kung saan pupunta. Ang alam lang nya gusto nyang lumayo sa kanila, gusto nya ng katahimikan, at hayaan muna syang mag-isip. Tumuloy sya sa Vince Bar. Pagpasok pa lang nya pinagtinginan at nagbubulungan na ang ilang naroon. Hindi na sya magtataka pa kung alam na ng buong San Miguel ang nangyari sa kanila ni Ella. Napakaliit lang ng San Miguel para hindi kaagad maikalat ng mga nakakaalam ang nangyari sa debu ni Ella. At ngayon sila ang talk of the town. Pero wala syang pakialam sa mga tao sa paligid, hindi sya magpapa apekto sa mga ito. Sya parin ang magdedesisyon para sa sarili nya. Hahayaan nya ang mga nanghuhusga sa ngayon, dahil alam nyang titigil din ang mga ito

