"Don't you dare go anywhere!" banta nito habang inaayos ang damit niyang nagulo ng asawa. Hindi siya kumibo. Nanatili siyang nakahiga sa mesa, habol ang hininga, habang pinapanood si Vincent na inaayos ang gusot na polo nito. Galit na galit ang mukha nito. Pero sa ilalim ng galit, may iba pa. Gutom. Uhaw. Isang bagay na hindi niya maintindihan, pero nararamdaman niya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ngayon. Mula ulo hanggang paa, hinagod siya ng tingin ni Vincent. Para siyang hinuhubaran ulit kahit nakabihis na siya. O halos. Nakataas pa ang laylayan ng dilaw na dress niya hanggang hita. Magulo ang buhok niya, nakakalat sa ibabaw ng mesa. Napalunok siya nang makita ang pagdaan ng dila ni Vincent sa sariling labi. "Anong gusto mong gawin ko? Maghintay sa iyo dito?" Galit na si

