"Ella, how are you?" Phil asked. "Apat na taon ka ring nawala dito sa San Miguel." "Well, I'm doing good. As you can see, I grew up!" Nakangiting sagot niya. Naglalakad siya sa kalsada papunta sa bahay ng Mommy niya nang madaanan siya ni Phil. Niyaya siya nitong kumain sa labas. Nais man niyang tumanggi rito, pero sadyang mapilit ito. Ayaw siyang tantanan. Kaya naman pumayag na siya para matapos na. Isa pa, dati naman silang magkaibigan ni Phil. Isama pa na schoolmate sila nito sa SMU. At isa ang ama ni Phil sa mga nabigyan ng posisyon sa Vincella Hotel. Kaya kung sakali, makakatrabaho niya ito. "Yeah, hindi iyon maitatanggi. Sa paglipas ng panahon, mas lalo kang gumanda at naging kaakit-akit!" Sagot ni Phil, at muli siyang sinulyapan. Pilit na ngiti lang ang sinagot niya. Wala

