Chapter one hundred sixty AVIANA’S POV’S Wala ng problema. Magaan nanaman ang pakiramdam ko, I’m pretty sure na umalis na si Josh, wala ng hadlang sa plano ko, muntikan na akong matakasan ni Steffy. Papasok na ako sa trabaho at nakita kong nakabihis rin si Steffy. “ Saan ka pupunta?” “ Umm, sa kaibigan ko.” “ Kaibigan? Saan?” “ Basta, gusto ko rin lumabas.” Huwag mong sabihing makikipagkita pa siya kay Josh? Hindi pa ba umalis yung lalaking yun? Akala ko okay na? hays. “ Ihahatid na kita, sumabay ka na sa akin.” “ Hindi na, kaya ko naman magcommute.” Mukhang yung Josh ang kikitain niya kaso hindi naman siya nakabag ng malaki, sling bag lang na maliit ang dala niya. Kung lalayas ito at sasama na sa boyfriend niya malamang malaking bag ang dadalhin niya. “ Okay sige.” Nagkunwari