Chapter one hundred two JAKE’S POV’S May mga itinutusok sila sa akin kaya napamulat ako ng mata, napansin ko na nandito si Ava sa tabi ko, paano niya nalaman na nandito ako? Ang pagkakaalam ko ay si Fhaida ang tinawagan nila, hindi kaya ipinaalam din ni Fhaida kay Ava na nasa ospital ako? “ Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin na may sakit ka, nag alala ako ng husto.” Sabi ni Ava pagkaalis ng doctor at nurse. “ Kaya ko pa naman kanina.” “ Nagpahinga ka na lang sana sa bahay.” Pahingaan ang bahay pero tuwing umuuwi ako sa bahay nila Ava hindi ako nagiging komportable, mas lalo akong nagkakasakit. “ Ayos lang naman ako.” “ Ayos? Tignan mo nga ang taas ng lagnat mo, Jake ano ba kaseng ginawa mo at nilagnat ka ng ganyan?” “ Wala to.” Naiisip ko nanaman si Fhaida, hindi ba niya ako p