Chapter sixty seven LANCE POV’S Hindi pa rin ako makapagsalita, nakatayo lang ako habang nakatingin kay Fhaida na nagwawalis ng mga nabasag na picture frame. “ Ingat ka diyan marami pang maliliit na bubog.” Paalala niya sa akin. “ Talagang pinapaalala sa akin na hiwalay na kami ng asawa ko kaya nabasag yan.” Dagdag niya. “ A-asawa mo yan?” “ Oo, front desk siya sa hotel.” Hindi talaga ako nagkakamali, si Jake nga ang asawa ni Fhaida. “ Hanggang dito na lang tong mga pictures, hindi ko naman dadalhin yan sa paglipat ko, hahayaan ko na dito yan na mabulok kasama ang bahay na ito.” paano nangyari ito? ang akala ko patay na ang asawa ni Jake? Ibig sabihin lang nito ay alam ni ate na si Fhaida ang asawa ni Jake? Alam ni ate na buhay pa ang asawa ni Jake? Nagsinungaling siya sa amin! “ Lan