Chapter one hundred forty nine FHAIDA’S POV’S Nawala ako sa sarili kanina, nakasakay na ako ngayon sa taxi at hindi ko alam kung uuwi pa baa ko sa bahay nila Lance, kaso nga lang nasa bahay ni Lance lahat ng gamit ko. Umiiyak ako ngayon dito sa taxi. “ Maam? Saan po ba kayo? Kanina ko pa po kayo tinatanong.” Hindi ko na namalayan na kinakausap pala ako ni manong. “ Pasensya na po manong.” Pinaderetso ko na sa bahay nila Lance yung taxi dahil nandoon lahat ng gamit ko, kukunin ko na lang at aalis na doon. Hindi ako makapagdesisyon ng maayos dahil naiinis ako at sabay pa itong sakit ng paa ko, napakamalas ko namang tao. Sakto naman pagdating ko sa bahay nila Lance wala pa yung sasakyan niya, hindi pa siya dumiretso dito, maaari ko pang hakutin yung mga gamit ko. Deretso agad ako sa k