Chapter thirty four JAKE’S POV’S Makailang beses ko siyang itinaboy pero ang kulit ni Fhaida, gusto pa ring pumasok dito sa loob ng hotel. “ Umuwi ka na.” “ Ayoko Jake, hindi ako uuwi kapag hindi ka kasama.” “ Nakakahiya na Fhaida, pinagtitinginan na tayo.” “ Huwag ka naman ganyan sa akin Jake.” “ May trabaho pa ako Fhaida, ayoko mastress ng dahil sayo.” Nanahimik siya sa sinabi ko. “ Umuwi ka na, huwag ka na babalik dito.” “ Jake naman, umuwi ka na oh, aayusin ko lahat, iiwasan ko mga ayaw mo promise! Jake!” Hinayaan ko siyang magsalita ng magsalta sa labas, hindi naman pwedeng kausapin ko siya ng matagal, may trabaho rin ako at baka makita kami ni Ava. “ Huwag mo siyang papasukin.” Utos ko sa guwardiya. “ Pero sir siya po diba ang asawa niyo?” “ Basta huwag niyo siyang papasu