Chapter forty JAKE’S POV’S Yung araw na lumuhod sa harapan ko si Fhaida ay biglang nanlambot ako, hindi ko gusto ang ganun lalo na kapag babae ang nagmamakaawa. Kaya nga ayaw ko siyang makausap dahil kilala ko ang sarili ko at si Fhaida, alam kong maaawa lang ako sa kanya kaya naman pinagbigyan ko siya at umuwi ako sa bahay. Kapag nalaman ito ni Ava siguradong magagalit siya, napakarami na niyang effort na ginawa sa akin tapos pagsisinungalingan ko lang siya. Lintek naman kase si Fhaida, sinabi ko na kaseng makikipaghiwalay na ako sa kanya pero pinupuntahan pa rin niya ako sa hotel. Kailangan ko na siyang kausapin tungkol sa annulment namin, tutulungan naman ako ni Ava sa pera pangpaannul kaya hindi na ako mangangamba. Nakapagsinungaling ako ngayon kay Ava ngayon dahil uuwi ako sa b