Chapter one hundred thirteen FHAIDA’S POV’S Ang aga ko natulog kagabi, ilang minuto bago ako nakakain ng dinner ay nagpahinga na ako agad, hindi ko na nakausap ng maayos si Lance, hindi ko na rin siya naabutan paggising ko. Hindi man lang niya ako ginising? Late na ako pero hindi ko magawang pumasok dahil masama ang pakiramdam ko, medyo mainit ang pakiramdam ko ngayon at napakabigat ng katawan ko. Masakit rin itong bandang puson ko, hindi ko nga alam kung tiyan o puson ang masakit, basta masakit bandang ibaba ko, mas malala pa sa rereglahin itong nararamdaman ko. May nakita akong note sa gilid ng higaan, may pagkain na ring nakalagay. Sinabi ni Lance sa note na huwag na muna akong pumasok dahil may lagnat ako. Alam niya na nilalagnat ako kaya hindi na niya ako ginising pa. Ang lami