EPILOGUE AVIANA’S POV’S Napakalayo ng pinagdalhan sa akin ni Steffy, probinsya na ata ito? Hindi ako umiimik pero alerto ako sa mga nangyayari, baka mamaya patayin lang niya ako bigla dito sa sasakyan ko. Ilang oras ang binyahe naming dalawa and this place is so weird! Ayoko na umimik dahil kanina parang nababaliw si Steffy habang sinasabihan ko siya na itigil yung sasakyan, kapag sumisigaw ako at nag iingay mas lalo siyang nagwawala kaya nanahimik na lang ako dahil nagmamaneho siya ng sasakyan, baka ibangga niya kase. Huminto siya sa isang bahay na may kulay pulang gate. “ Diyan ka lang.” utos niya sa akin. Bumaba siya ng sasakyan at pumunta sa may side ko, naalala ko may tracker pala itong sasakyan ko, malolocate nila itong lugar kapag binuksan ko yung location nitong sasakyan.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books