Chapter sixty five AVIANA’S POV’S Sa sobrang selos ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magalit sa lahat. Kasalanan ito ni Fhaida, nag iinarte nanaman para bumalik sa kanya si Jake. Ang ayoko lang, napahiya ako sa lahat ng sabihin niyang siya ang asawa ni Jake, gusto kong magsalita at sabihing noon pa yun! Ako na ang girlfriend niya ngayon! Wala na sila kaya bakit pa niya ipinagmamalakig siya ang asawa? Hindi na ako nagsalita pa dahil naiinis na si Jake sa akin, kinakalma ko na lang ang sarili ko dahil pinag uusapan na ako ng lahat dito sa mall. “ Tara na.” hinila ako ni Jake palayo sa department store, hindi ko na rin binili yung mga gusto kong bilhin. Sirang sira na talaga ang araw ko ngayon, akala ko pa naman makakapagdate kami ng maayos ni Jake at makakapagrelax ako dahil