Chapter thirty one FHAIDA’S POV’S Pinauwi ko na sina Ella at Karen dahil baka hanapin sila ng mga magulang nila, gabi nanaman at wala pa rin si Jake. Hindi pa rin siya bumabalik dito sa bahay. Hindi pa ako lumalabas ng bahay para hanapin siya, nanghihina ako dahil sa puyat, wala akong masyadong pahinga lalo na itong isipan ko, hindi ko mapigilan mag isip ng malala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Siguro nandyan lang siya sa mga kaibigan niya at nakikituloy, hanapin ko kaya siya ngayon? Lumabas ako ng bahay para maitanong sa mga kaibigan niya kung alam nila kung nasaan si Jake, nakita ko yung isa, si Leo. “ Excuse me, kaibigan ka ni Jake diba?” “ Ikaw yung asawa niya ah.” “ Oo, nakita mo ba siya?” “ Umm, hindi ko pa siya nakikita ilang araw na.” “ Ah gan