Chapter eighty FHAIDA’S POV’S Nagtaka ako dahil napakaraming missed calls ni Jake sa akin, hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa trabaho. Nagtext siya sa akin na maghihintay daw siya sa plaza para makipag usap sa akin, pumunta ako dahil gusto ko malaman kung ano ang sasabihin niya. Hindi ko naman akalain na gusto niyang huwag ituloy ang annulment namin, akala ko mahihirapan ako sa mga plano ko pero mukhang sumasang ayon sa akin lahat. Ayaw na niya makipag annul? Ibig sabihin gusto na niyang hiwalayan si Ava? O baka hiwalay na sila? Sinabi ko sa kanya na on process na ang annulment namin kahit ang totoo ay hindi pa ako nagfafile nun. Ano kayang nangyari bakit biglaan na lang nagkaganun si Jake? Akala ko nga mahihirapan talaga ako na paghiwalayin sila ni Fhaida pero siya na itong k