Chapter twenty five AVIANA’S POV’S Naaalala ko pa rin yung usapan namin ni Jake kagabi, hindi ko maiwasang mapangiti tuwing maaalala ko lahat ng sinabi niya. Umamin siya na mahal pa rin niya ako. Ang sarap sa pakiramdam ng marinig ko lahat ng yun mula sa kanya, hindi siya naglihim pa tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Mabuti na lang nakapag usap kami kagabi, nalinawan ako sa mga desisyon ko dahil I almost give up, pero mahal pala niya ako kaya ilalaban ko siya, hindi ako susuko. Halata naman na hindi na siya masaya sa asawa niya at hindi na niya ito mahal, hindi naman siya papayag makipagrelasyon sa akin kung mahal pa niya ang asawa niya. “ Good morning!” bati ko kay Lance at yaya Rosing, nauna na silang kumain dahil nalate akong nagising. “ Ang ganda ata ng gising mo.” “ Hindi