Chapter one hundred FHAIDA’S POV’S Nakaidlip ako ng walang saplot sa katawan, nilamig ang likuran ko dahil hindi masyadong nakumutan kaya nagising ako bigla. Pagmulat ng mga mata ko naabutan kong nakatitig si Lance sa akin. Napagod ako kaya natulugan ko siya pero si Lance hindi man lang nakatulog, tinititigan ata niya ako simula pa kanina. “ Good morning.” Bati niya sa akin, napatingin ako sa bintana, madilim pa naman. “ Anong oras na?” “ Twelve.” Naalala ko, birthday na pala niya ngayon, napangiti ako dahil saktong birthday niya ay magkasama kaming dalawa. “ Happy birthday.” Bati ko sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya ng batiin ko siya, akala niya siguro hindi ko maaalala yung araw na ito, saktong alasdose pa talaga ako nagising. “ Ang ganda ng regalo ko.” Nakatitig siya