Chapter seventy two FHAIDA’S POV’S Nakaimpake na ako, hinihintay ko na lang ngayon ay si Jake. May lugar kami na pinag usapan na magkita pero wala pa siya, huwag niyang sabihin na hini siya sisipot? Nakuha na niya ang gusto niya sa akin na iatras ang kaso kay Ava, binayaran na rin ni Ava lahat ng danyos sa ginawa niya. May nakausap na akong kasabwat para matuloy ang plano ko, may kakilala ako sa hotel na pagtutuluyan namin ni Jake. Malayo ang lugar ng mga kamag anak ko, ilang oras din ang byahe namin. Ano kaya ang dinahilan ni Jake kay Ava? “ Pasensya na late ako.” Mabuti naman at sumunod siya sa usapan. Sumakay agad kami ng bus, malamang magkatabi kaming dalawa dahil nakareserve ito, ilang oras ang byahe ko, maiinip ako dito. “ Alam ba ni Ava na magkasama tayo?” “ Kagaya ng sina