Chapter sixty one FHAIDA’S POV’S Alas dyes na ng gabi pero kasama ko pa rin si Jake, binabantayan niya ako dahil nagkukunwari akong nanghihina at nahihilo. May maliit na TV dito sa kainan at doon siya nanunuod. Habang ako naman ay nakaupo sa gilid niya, nag iisip ng pwedeng idahilan para hindi siya umalis dito, baka dalhin lang niya ako sa ospital kapag pinalala ko ang sakit ko. “ Alas dyes na pala.” Mukhang balak na niyang umalis. “ Kaya nga, hindi pa rin ako dalawin ng antok ko, mukhang hindi nanaman ako makakatulog nito.” “ Ganyan ka ba palagi?” “ Oo, lalo kapag umiinom ng gamot, hindi na ako nakakatulog ng maayos hanggang mag umaga na, papasok ako ng walang tulog.” Hays, ganito pala ang pakiramdam ng magsinungaling. “ Subukan mong humiga baka sakaling makatulog ka.” “ Mahihil