Chapter one hundred thirty eight FHAIDA’S POV’S Pag uwi ko sa bahay galing trabaho agad kong pinuntahan si Lance, maaga kase siyang umuwi ngayong araw. Naabutan ko siya na naatutok sa laptop habang nasa kwarto. “ Akala ko pa naman umuwi ka dahil natapos mo ng maaga trabaho mo.” “ Umuwi ako kase hindi ako makaconcentrate sa opisina.” “ Akala ko rin nagpapahinga ka ngayon kase maaga kang umalis kanina.” “ Hindi ako makapagpahinga.” “ Ganun ba, umm, may dala akong pagkain, iinit ko lang.” Kanina pa niya ako hindi nililingon, nakakunot ang kanyang noo habang nakatutok sa monitor, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kafocus sa trabaho. Inuwi talaga niya dito? Siguro gusto niya lang din ng katahimikan, pero mag isa lang naman niya sa opisina. Palingon lingon ako kay Lance bago ako lum