Chapter seventy four AVIANA’S POV’S Ang lakas talaga ng kutob ko na may kasamang babae si Jake noong umalis siya, pero hinayaan ko na lang dahil ayoko naman na paghigpitan siya baka mas lalo siyang magalit sa akin at maisipan pa niyang makipaghiwalay. Pero ng makarinig ako ng boses ng babae ng tumawag ako ay doon na tumama ang kutob ko, kaso nga lang biglang namatay yung call kaya hindi ko na nakausap si Jake. Hindi ko na siya makontak matapos kong marinig ang boses babae. Sobrang gigil na gigil ako na puntahan siya kaso hindi ko naman alam kung saang lupalop si Jake, gabing gabi na pero aligaga ako sa kakahanap ng lokasyon niya pero mukhang nakaoff ang phone ni Jake kaya hindi ko siya matrace. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko nakikita si Jake kaya naman sa sobrang inis ko ay n