Chapter ninety seven LANCE POV’S Pwede na akong bigyan ng trophy, ang galing kong umarte, pero sa totoo lang may ticket na akong binili, kagaya ng sinabi ko, aalis talaga ako kapag pumalpak pa ang balak ko. Masakit umasa, lalo at mukhang magkakabalikan pa sila Jake at Fhaida. Mas mabuting handa, alis agad kapag pinili ni Fhaida si Jake, nalaman ko kanila Ella at Karen na anniversary nila Jake at Fhaida ngayong lunes kaya tinaon ko ang araw na ito sa kunwaring flight ko. Kapag pinili niya si Jake at hindi niya ako pinigilan umalis, wala na talaga akong pag-asa. Ayoko na talagang umasa. Aalis ako ng bansa pero hindi isang taon, gusto ko lang pahupain yung nararamdaman ko kay Fhaida kapag pinili niya si Jake. Ang totoo niyan bukas pa ang alis ko kung sakali, sa mismong kaarawan ko tala