CHAPTER 5

2313 Words
CHAPTER 5 Nataxia Serofinna's POV AGAD ko namang binalingan ng tingin si Heneral Athlas nang dahil sa sinabi niya sa 'kin. "You're not a prince, General." Madiing sagot ko sabay harap sa kanya habang seryosong nakatitig sa 'kin at naririnig ko naman ang mga yapak ng dalawang kawal papaakyat ng hagdan para sundin ang iniutos ko kanina. "Yes you're right, your highness but I'm a royal blood too. Instead of exploring outside in your palace to find your prince, marry me and I'll be responsible King for you." Mabilis na sagot niya sa 'kin kaya tumawa naman ako ng bahagya dahil ilang beses ko nang naririg sa kaniya na siya ang lalakeng nakatala sa 'kin. Pero may dahilan ako para hindi 'yun mangyayari. "General, I told you in how many times. You're nothing but... just a friend of mine. Your dad was the king's advisor, we were both raised in the palace so I can't marry my friend?" Seryosong saad ko kaya narinig ko naman siyang nagbuntong hininga sabay baling sa ibang direksyon. By the way, his mom is a sister of a queen in 'Harnet's Kingdom' so General Athlas is a royal blood too but I have no intension to marry him. Kaibigan lang talaga ng turing ko sa kaniya at nagkasama lang kami sa mansyon dahil maagang nawala ang kaniyang ina dahil may malubha daw itong karamdaman. Kaya't pinahintulutan ng hari na dito siya titira dahil hindi naman iba sa pamilya si Mister Everett dahil magkaibigan sila ni Dad. Pero may mga pagkakataong kinukumbinsi ako ni Dad na si Heneral Athlas ang dapat kong pakasalan pero hindi talaga ako komportable dahil kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya. "Maraming prinsesa ang naghahangad para pakasalan ka, Hereral Athlas. 'Huwag mo sanang mamasamain ang sinabi ko sa 'yo dahil magkaibigan lang tayong dalawa." Dagdag ko pero totoong sikat si General Athlas sa mga prinsesa sa ibang bansa dahil sa taglay nitong kakisigan na inaamin kong walang babaeng hindi lilingon sa kaniya nakasalubong mo siya. "You're the only princess that I loved, you know that your highness. But I'm still hoping for your acceptance and I will always protect you no matter what happen. You're my princess and I'm your warrior." Kumawala nalang ako ng buntong hininga dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin ko sa kaniya. "I have to go, General. See you around." Pagpapaalam ko dahil mas lalo na akong nakakaramdam ng pagkailang dahil sa mga pag amin niya kaya tuluyan ko nang hinakbang ang mga paa ko para makaalis na dito sa ilalim. Noong mga musmos pa lamang kami, para lang kaming normal na magkapatid dahil lagi ko siyang kalaro pero habang lumalaki kami, lagi niyang sinasabi sa 'kin na gusto niya akong pakasalan kaya't nailang na talaga na ako ng tuluyan sa kaniya kaya 'nung tumungtong ako ng labinlimang taon, madalang lang kami nakakapag usap lalo na't may responsibilidad na siya sa kaharian at naging pinuno ng mga hukbo. Sa pagkakaalaam ko, dalawang taon ang pagitan ng mga edad namin kaya't mas madami siyang responsibilidad sa 'kin dahil masyado siyang abala sa pamumuno at magp-protekta ng kaharian. "Your highness, is there any problem?" Bungad sa 'kin ni Mister Hero pagkalabas ko dito sa underground. "The king and queen were waiting for you in the living room." "It's fine, Hero. Let's go, and I want to see my Mom ang Dad." Tugon ko at nagsimula na kaming maglakad para makapasok uli sa loob ng palasyo. _ "My Princess!" Bungad sa 'kin ni Dad 'nung pagkabukas ng pagkabukas nitong malaking pintuan dito sa living room. "Your Daddy misses you!" Sigaw ni Dad sabay sinalubong ako ng yakap at pati na rin si Mom na nakangiti sa 'kin kaya tinanggal ko na ang gear na suot suot ko at binigay ko na 'yun kay Mister Hero. "I miss you Princess." Mahinang usal ni Mom dahil ilang linggo na rin ang makalipas ang huling bisita ko dito. "Princess Serofinna! How's your adventure!" Rinig kong sigaw ng Dad ni General Athlas at kumalas na ako sa pagkakayakap nila dahil nakita kong papunta na sa 'kin si Mister Everett. "Did you saw my son? Nakapagusap na ba kayo?" Dagdag niya sabay yakap sa 'kin ng bahagya. "Yes, Mister Everett." Tugon ko dahil ito ang laging bungad na tanong niya sa 'kin dahil siya ang mas nasasabik sa 'ming dalawa ni General Athlas para mas mapalapit kami sa isa't isa. "Come my dear, have a seat and we will talk about your royal ball." Sabi ni Mom kaya nagsimula na akong naglakad patungo sa pinakamalawak na terrace dito sa palasyo. "Excuse me, your majesties and your highness. I have an urgent meeting." Pagpapaalam ni Mister Everett kaya tumango naman ako dahil mas busy siya kaysa kay Dad dahil siya ang naghahandle ng usapin sa iba pang kaharian. "Prepare our tea." Saad ni Dad sa mga maid na nakatayo sa terrace at nakita ko siyang yumuko para sundin ang utos. Nasa ikawalang palapag ito naka-locate dahil kitang kita dito ang view sa labas ng palasyo kaya ang terrace na ito ang unang mapapansin dahil sa lawak at laki. Dito kami karaniwang nasasama habang pinagmamadan ang aming nag gagandahang hardin. Para mas komportable, may circular table doon na may mga preskang prutas na nakalagay sa gitna at may mga iba't ibang uri ng dessert na nanggaling pa sa ibang kaharian. Tungkol naman sa palasyo, sa unang tingin ay hindi ito ganoon kagara sa labas dahil ilang dekada na rin ang nakalipas 'nung itayo ang palasyo na ito kaya't medyo malabo na ang pinturang nailagay. Nang matandaan ko pa, ilang taon na rin ang nakalipas 'nung nai-pinturahan namin uli pero sa laki at lawak nitong palasyo, masyadong mahirap at baka makadisgrasya pa kami ng mga alipin kaya hinahayaan nalang namin na makupas ang kulay. Pero hindi ka naman magsisisi pag nakapasok kana dahil bubungad sa 'yo ang malinis at mga magagarang gamit dito sa loob. Bilang prinsesa, dapat isaulo ko ang kung ano ang nandito sa palasyo. Kagaya nalang ng iba't ibang pasilyo, himpilan, kwarto at kung ano ano pa. "So my Princess, the royal ball would be your great experience. The time has come to reveal your elegance and your unique beauty." Saad ni Dad sa seryosong boses sabay upo sa kaniyang sariling upuan at ga'nun din si Mom. "Well, our kingdom is famous because they're really curious about you." Dagdag ni Dad at umupo na rin ako sa upuan 'nung inalalayan ako ni Mister Hero para makaupo. "Dad, this is not about appearances, I think they're just want to come on my special day." Pero mukhang tama si Dad dahil base sa naririnig ko, mukhang pagmumukha ko talaga ang pinunta nila. "How's my ball gown?" Tanong ko habang tinignan ang mga nagsidatingan na mga maid habang may dala-dala silang golden tray na may lamang teapot at tasa na gawa sa porcelana na iniregalo pa ito sa emperador. Inilapag nila 'yun sa aming harapan at nakita kong kinapitan ni Mister Hero ang tsarera para malagyan na ang tasa ko ng tsa-a. "Of course, that was mint green my dear. Your favorite color right? I know you will love it." Nakangiting saad ni Mom sabay palakpak ng dalawang beses kaya napalingon naman ako sa likuran ko dahil may naririnig akong may papunta dito sa kinaroonan ko. "That dress was made by a famous designer in Paris. May mga pinakita pa siyang ibang kulay sa 'min pero naalala kong mahilig ka sa kulay na 'yan." Sabi ni Dad at nakita ako ang dalawang maid na hinihila ang isang mannequin papunta sa 'kin at napansin ko kaagad ang isang ball gown na kumikintab dahil sa transparent silk at tama nga si Mom, mint green nga ang kulay sa loob ng kumikislap na sutla. Illusion naman ang pangitaas para may suporta ako kung sakaling pumapaibaba dahil may kabigatan 'tong gown pero kung titignan ito sa malayo, parang naka tube lang ako. "Wow, this is really lovely." Bulong ko habang hinawakan ko ang mga batong kumikinang na nakadikit sa pangitaas ko. "What's this? Is this really emeralds?" Namamanghang tanong ko habang tinitignana ng maigi dahil may mga berdeng bato na nakasulsi na korteng rosas dito banda sa tagiliran. "Yes my Princess. Yes, it is." Nakangiting saad ni Dad habang tumawa ng mahina kaya napatingin naman ako sa kanila. "Thank you so much Mom... Dad..." "About your identity, are you sure to hide it after the reveal?" Tanong sa 'kin ni Dad kaya tumango ako sabay hawak sa tasa ko para humigop ng tsa-a. "It is fine to you? By the way, how's their treatment while using your fake identity?" "It's miserable Dad but I can handle it. Maybe this is a challenge to me, but don't worry... malapit ko nang makumbinsi ang future prince na sinasabi ko dahil sa kaniya ko nakita ang katangian ng isang prinsipe." Saad ko sabay ibinaba ang hawak hawak kong tasa at kumuha ng isang pirasong green grape na nakalagay sa malaking tray. "Good job, I like your mindset my princess. Dahil kayo ang papalit sa trono namin pag dumating ang nararapat na panahon." Matagal pa 'yun pero dadating at dadating na kami ang mamumuno sa kaharian. Mabuti nalang, royal blood din si Jerickho base sa naririnig ko sa school kaya isa din 'yan sa dahilan kung bakit siya ang napili kong prinsipe. This is not an act of Desperateness for me, ginagawa ko 'to hindi dahil sa 'kin kundi para rin sa kaharian. Kinakailangan na may mabuting puso ang hahari dahil kung hindi, baka dadating sa punto na matulad kami sa isang kaharian na ilang milya lang ang layo dito sa 'min. Nang dahil sa pagkasakim, malupit at walang pusong naghari, nawala na ang karapatan pangtao at nagresulta ng pagaalipin. Pero dahil sa tulong ng ibang kaharian, tinugis ang haring 'yun at hinatulan ng kamatayan dahil sa ginagawa niyang kawalanghiyaan. Sana hindi mabigla si Jerickho sa pag sinabi ko na ang nararamdaman ko sa kaniya at gagawa ako ng paraan para makapagusap kami sa aking kaarawan. Pero, pag mananatili akong maging si Maria Hades pagkatapos ng pagdiriwang para makapagtapos ako ng pagaaral at hindi ko pa pwedeng sabihin sa kaniya ang totoo para maiwasan ang g**o pag nagkataon. Mananatili ang pagtatago ng totoo kong pagkatao at sa oras na matapos ang misyon ko, ay hahatulan ko ng kaparusahan ang mga taong mapangabuso dahil mayroon akong nililista kung sino ang nangaapi lalo na sa 'kin. Hindi ko naman sila papatayin, paparusahan ko lang sila para tumanda para hindi na maulit sa mga tulad ko ang kanilang pangaapi. "By the way, inilabas ko na ang mga invitation sa labas ng palasyo at mapupunta 'yun sa Akademia natin. Para na rin sa mga taong kakilala ko sa labas." Rinig kong saad ni Dad pero muntik ko nang makalimutan na bibigyan ko pala ang mga invitation ng kaibigan ni Axel?! Muntik ko na ring makalimutan na nandito pala siya sa palasyo at inaasahan kong ginagamot siya ngayon. "Dad, can I have an invitation? I think five invitations are enough." "Of course my Princess." Tugon ni Dad sa 'kin at nakita kong tumingin siya sa loob ng living room. "Mister Warent, can I have five invitation?" "Yes your Majesty." Rinig kong tugon ng General secretary ni Dad na naghahandle ng mga presentation, program at may kinalaman sa mga papeles na tinatanggap dito sa palasyo. "Here, your highness." Napalingon naman ako dito sa gilid ko dahil iniabot na sa 'kin ni Mister Warent ang invitation na hininingi ko kaya tinanggap ko naman 'yun sabay inilapag dito sa mesa. "Could you call Mister Feliv for me?" Sabi ni naman ni Mom kay Mister Warent. "Of course your Majesty." Tugon niya sabay yuko at naglakad paalis dito sa terrace pero 'yung taong tinawag ni Mom, 'Chief of Protocol' ang tawag sa kaniya dahil siya ang naghahandle ng public activites kagaya ng occasional receptions, formal dinners at iba pa. Si Mister Feliv ang ang o-organize ng mga design at foods, kasama niya ang mga ibang tauhan dito sa palasyo para sundin ang mga idea niya. At para maintindihan na rin kung sino sino ang mga importanteng tao dito sa loob ng palasyo, uumpisahan natin kay Mister Everett na Trusted Advisor ng Hari, actually marami sila pero siya ang pinakapinagkakatiwalaan ni Dad. Kagaya ng sinabi ko kanina, siya ang naghahandle ng usapin sa ibang kaharian para pagtibayin ang relasyon namin sa ibang bansa. Kasama ni Mister Everett ang mga 'Head of Media and communication' na nagbibigay ng tamang impormasyon sa pamamagitan ng paglabas ng iba't ibang statement sa Telebisyon o dyaryo para ibalita ang mga aktibidad ng Hari. Tungkol naman kay Mister Hero, may mga butler's pa dito sa loob ng palasyo para mag assist ng mga guests pag may mga okasyon o pagdalo. Sunod ay ang mga kawal na sa pagkakaalam ko, mga limang daan na sila pero napagisipan na mas dadagdagan pa ang hukbo para mapalakas ang seguridad dito sa kaharian. Mayroon din kaming tatlong Chef, isang daang Maids, limampung hardinero, tatlumpung driver, isang daang guwardya, apat na doktor na may kaniya kaniyang trabaho. Kung hindi ako nagkakamali, 'yan ang mga tauhan dito sa loob ng palasyo. "I'm here, your Majesty." Napatingin ako kay bagong dating na si Mister Feliv na pinatawag kanina ni Mom. "Is everything was settled for my daughter's royal ball tomorrow night?" "Yes your Majesty. The food, musicians and guests. Everything was prepared." Magalang na saad ni Mister Feliv habang nakayuko ng bahagya. "Good work you may go, Mister Feliv." "Thank you, your Majesty." Tugon niya at naglakad na dito papaalis sa terrace kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa tulips garden dahil nakakatuwa pagmasdan dahil naka-align sila ng mabuti na nakaayon sa kanilang kulay. "Sorry for the disturbance, your Majesties but the patient named Axel Valentino De Angelo was looking for you, Princess Nataxia." ©cherryypinks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD