Nataxia Serofinna’s POV (Maria Hades) NAGISING ako sa tunog ng alarm ng cellphone. Naka-lapag iyon sa study table dito sa gilid ng kama ko. Kinapa-kapa ko naman agad para patayin. “Seven...” Bulong ko sa sarili dahil alas s’yete na ng umaga. Kinakailangan ko nang kumilos kaya bumangon na ako sa pag-ka-kahiga sabay nag-unat bago bumaba sa kama. Daily routine nanaman, maliligo... mag-bi-bihis... kakain... tu-toothbrush... at aalis. MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO, naka-titig naman ako ngayon sa salamin para mai-suot ‘tong facemask ko. Timatamad na akong pumunta sa hidden cabinet para doon isuot kaya dito na lang. Total, naka-baba naman ang lahat ng maka-kapal na kurtina dito sa kuwarto, “Baby! Bumaba kana at sinusundo ka ni Mister De Angelo!” Napa-kunot agad ang noo ko dahil sa sigaw ni