Napatingin sa akin ang dalawang armadong lalake nang lumabas ako mula sa silid. Akala ko pipigilan nila ako pero muli na nilang tinuon sa kanilang harapan ang mga atensyon nila.
Narinig ko kanina ang tunog ng isang makina na sa tingin ko ay isang motor boat. Tiyak na galing ang mga ito sa bayan at namili sila ng makakain.
Napatingin ako sa itsura ko. Nakasuot pa din ako ng bath robe. Walang suot na kahit na anong undies. Wala din akong tsinelas man lang.
Sana man lang pinabilhan ako ni boss ng damit. Kaso, galit nga pala siya sa akin.
"May pagkain po ba?" tanong ko sa mga tauhan at sakto namang tumunog ang aking tiyan. Tinuro nila ang kusina.
Pati ba naman ang mga 'to tamad ding magsalita? May rules ba sila dito na bawal magsalita?
Naglakad ako papuntang kusina. Nakalapag sa may center island ang ilang mga plastik ng groceries. Wala man lang nag-ayos. Parang ako talaga ang inaasahan nilang mag-aayos ng mga ito.
Sabagay, nababagot na din ako rito. Sumasakit na ang puwet at likod ko kahihiga at upo. Atleast, hindi na ako magugutom nito.
Inayos ko ang mga groceries sa cabinet at sa center table. Ang mga gulay, karne at isda ay nilagay ko sa ref.
Tinignan ko ang mga lalake na nasa hamba ng pintuan.
"Kumain na kayo?" tanong ko sa kanila.
"Did you eat?" ulit kong tanong, baka kasi hindi nila naiintindihan ang tagalog. Ilan kasi sa kanila ay halatang may mga lahi.
"You want to eat?" tanong ko ulit. Ayaw talagang magsalita. Silence means yes.
Nilabas ko ang malaking kawali mula sa cabinet. Maggigisa na lang muna ako ng gulay tapos magpi-prito ako ng manok.
Ilan kaya silang lahat?
"Ilan kayo dito?" tanong ko ulit sa kanila.
"Forty," sagot ng isa sa mga lalake.
Oh, nakakaintindi ng tagalog. Sabagay, mukha siyang Pinoy.
Forty silang lahat? Ang dami naman pala nila. Nginitian ko ang lalake pero nag-iwas ito ng tingin at tinalikuran na ako.
Sa sunod na araw, makikipagkuwentuhan nga ako sa kaniya. Madami akong katanungan, e.
M-in-arinade ko ang manok at tinabi muna ito sa chiller. Nagsaing ako sa malaking rice cooker at pagkatapos ay sinimulan kong hiwain ang mga gulay.
Nang maluto ang gulay, nagsalang na ako ng mantika sa kawali at sinimulang prituhin ang ilang piraso ng malalaking hita ng manok.
Natapos ako sa pagluluto ng eksaktong alas-siete ng gabi.
"Dinner is ready!"
Tumingin ang dalawang lalake na nasa hamba ng pintuan dito sa kusina, ngunit hindi pa din sila kumikilos.
"Come on, let's eat!"
Nakakainis naman ang mga piping tao na kasama ko. At saka nasaan pala iyong boss nila?
"Where is boss?" tanong ko na parang tanga, dahil wala man lang sumagot. Nayayamot akong tumingin sa kanila, ngunit wala man lang itong epekto. Nanatili ang kaseryosohan sa kanilang mga mukha.
Naglakad ako papuntang living room at sinabihan ko ang apat na tauhan na kakain na.
Palabas na ako ng bahay nang sitsitan ako ng lalakeng may blonde na buhok. Nakatayo ito sa may balkonahe. Hindi naman siya mukhang galit. Medyo cool siyang tignan. May itsura. Iyong tipong lalakeng puwede mong maging crush, kung hindi mo alam kung ano talaga ang totoong pagkatao niya.
"Dinner is ready. Inform the others," kaswal kong sabi.
"Nice!" Ngumiti siya at nag-thumbs up pa.
Nilagay niya ang dalawang daliri sa kaniyang labi, saka pinaswitan ang iba pa nilang mga kasamahan. Ilang sandali pa ay may limang tauhan ang naglakad papuntang harapan ng bahay.
Tinanong ng mga ito kung ano'ng nangyari.
"Dinner is ready," sabi nito sabay sulyap sa akin ng may ngiti sa labi. Tumango naman ang limang lalake at saka tinawag pa ang iba.
Bente silang lahat na pumasok sa kusina at kumain. Sampu lang ang kasya sa dining table. Ang iba ay nakatayong kumain sa may center table. At ang iba na nagbabantay sa sala ay doon na din mismo kumain. Bumabalik lang sila sa mesa kapag kukuha ng ulam o kaya kanin. Nagsaing ulit ako kanina, naisip ko na baka hindi kasya sa kanilang lahat ang kanin. Mga lalake pa man din ang kakain.
Ang pagkain ko ay naitabi ko na sa taas ng fridge. Mamaya na ako kakain.
Pangalawang batch na ang kumakain nang pumasok si boss dito sa kusina. Natigilan siya nang makita ako at ang mga tauhan niya na kumakain.
May hawak din ako na ketchup dahil humingi ang mga tauhan sa akin.
"What are you doing?" tanong ni boss. Napangiti ako, dahil akala ko magiging pipi na naman siya. Hindi niya kita ang munting ngiti na sumilay sa aking labi.
"She cooked for us," sabi ng tauhan na may planong kumuha sa akin noon sa casa. Palangiti ito gaya ng isang lalake na nakapuwesto sa balkonahe.
"What are you still doing here?"
Tinignan ko si boss makaraan ng ilang minutoz na walang sumasagot sa kaniya. Ako ba ang kinakausap niya?
"Why? Should I leave? Is there any transportation that will take me to the city?" Nakangiti pa ako, pero nang makita ko ang madilim na anyo niya ay nagyuko ako.
Lahat na lang kinakagalit. Mukhang mahirap kunin ang kaniyang loob. Hindi man lang na-appreciate ang ginawa ko para sa kanila. Nagluto pa nga ako, oh. Hindi madaling magluto para sa maraming tao.
Tumayo ang isang tauhan, dahil tapos na itong kumain. Si boss ang pumalit sa puwesto niya.
Kumuha ako ng plato at kubyertos at nilapag ko ito sa kaniyang tapat.
Nakatuon lang ang kaniyang mata sa mesa, habang ang kaniyang katawan ay tuwid gaya ng isang matikas na matikas na lalake. Minsan guwapo siya. Pero mas madalas, demonyo.
"Go back to your room," seryoso niyang utos. Hindi na lang ako nakipagtalo pa. Nilapitan ko ang fridge at kinuha ko ang tinabi kong pagkain. Sa kuwarto ko na lang ito kakainin.
Kumuha na din ako ng tubig para hindi na ako lumabas pa mamaya. Bukas na lang ako maghuhugas ng pinagkainan, dahil pagod na din talaga ako.
Pagpihit ko, napansin ko ang taimtim na pagtitig sa akin ni boss. Kanina pa ba niya ako pinapanood?
Nanuyo ang lalamunan ko sa paraan ng kaniyang paninitig. Para bang hinuhubaran niya ako. Mukhang may plano siya ngayong gabi! Huwag naman sana.
Hanggang ngayon, sumasagi pa din sa aking isipan ang nasaksihan ko nang isang gabi. At kapag naaalala ko iyon, lahat ng mga masasamang nangyari hanggang sa pagkamatay ni Daddy ay naaalala ko.
Nag-iwas ako ng tingin at nang muli kong ibalik sa kaniya ang aking mga mata, sa pagkain sa kaniyang harapan na siya nakatingin.
"Kumain ka na. Masasarapan ka muna bago ka mamatay. Nilagyan ko iyan ng lason," bulong ko. Napasinghap ang dalawang tauhan na malapit sa akin. Mga Pilipino sila kaya naintindihan nila ang sinabi ko.
Si boss ay matalim na tumingin sa akin, kaya nagbaba ulit ako ng tingin.
"Walang lason iyan. Hindi naman ako kagaya niyo." Ngumuso ako. At bago pa man siya tuluyang sumabog sa galit, nagmamadali na akong humakbang papunta sa aking silid.
"Baliw ka talaga, Candy. Magbiro ka na sa lasing at bagong gising. Huwag lang sa mamamatay tao," kastigo ko sa aking sarili.
Patapos na akong kumain nang pumasok si boss. Napapitlag ako, pero agad din akong kumalma nang pumasok siya sa banyo.
Nakatapis na lang siya ng tuwalya nang lumabas siya. Napainom tuloy ako ng tubig, nang magsimulang magrigodon ang t***k ng aking puso.
Dumoble pa ito nang lampasan niya ang cabinet. Palapit na siya sa akin.
"P-Pagod ako... I-Im t-tired... I-I can't..."
Kumunot ang noo niya pero nagpatuloy pa din siya sa paglapit sa akin. Hindi ko malaman kung aatras ako, tatakbo—kaso saan naman ako pupunta?
Nilampasan niya ako kaya nagtatakang nilingon ko siya. Sumilip siya sa may bintana at kumatok roon. Sumilip naman ang isang tauhan na nakapuwesto lang sa malapit. Para bang nag-uusap sila ngunit wala naman silang sinasabi.
Mga psychic ba sila o may ginagamit silang code?
Tumalikod na si boss at muli akong nilampasan.
"Saan ka matutulog?"
Tinignan niya ako ng seryoso. Salubong na naman ang kilay niya.
"Hindi ka dito matutulog?" Naku, Candy, tatanga-tanga ka talaga. Kung dito siya natulog, yari ka talaga. Dapat hinayaan mo na lang, e, asik ng aking isipan.
Gusto ko lang namang malaman kung dito siya matutulog o hindi, para alam ko. Baka mamaya, sa kahimbingan ng aking tulog bigla na lang niya akong gapangin o kaya patayin.
Napalatak ako nang magsara na ang pintuan. Umalis na siya.
Tumayo ako at hinila ko ang cabinet upang iharang sa may pintuan, para walang sinumang makapasok dito. Sinubukan ko ding hilain ang sofa kaso sobrang bigat, hindi ko kaya.
Sana lang, huwag nang bumalik ang boss na iyon. Gusto ko ng mahimbing na tulog ngayong gabi.
Dala ng pagod sa pagluluto para sa forty na katao, naging mahimbing ang aking tulog sa magdamag.
Nagising lang ako dahil sa malakas na kalampag sa labas ng pintuan.
"Open the door!" sigaw ni boss. Naiinip at tila mauubusan na naman ng pasensya. Ang aga-aga mainit na agad ang kaniyang ulo.
Bumangon ako at kabababa ko lang ng kama nang sipain niya ang pintuan. Bumagsak ang cabinet na nakaharang sa pintuan at naglikha ito ng napakalakas na kalabog. Nasira ang cabinet.
Nagulat ako, pero hindi na ganoon katindi ang takot na nararamdaman ko para sa kaniya. Ewan ko ba. Siguro dahil buhay pa ako. Dahil hinayaan niya akong matulog kagabi at hindi niya ako ginapang habang tulog ako.
Nagkamot ako ng leeg nang matalim niya akong tignan.
"Gutom na ba kayo?" tanong ko nang may munting ngiti sa labi. Lumapad pa ang ngiti ko at bahagya ko ding pinilig ang aking ulo habang nakatingin sa kaniya.
"Make me mad again. I'm warning you," banta niya gamit ang seryoso at napakalalim na boses.
Heto na naman ang titig niya. Para akong ice cream na natutunaw sa init ng pagkakatitig niya.
"B-Bakit ano'ng gagawin mo sa akin? P-Papatayin mo ako?" tapang-tapangan kong tanong. Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi.
"Well..." Hinawakan niya ang kaniyang baba. "I could cut your whole body into tiny pieces and then scatter it in the ocean."
Nasusuklam ko siyang tinignan. Thinking what he just said makes me feel sick.
"But where's the fun in that?" Ngumisi siya ulit. "I have something better in mind. You'll probably like it. Or maybe not. Cause you'll not be able to walk for few days after that punishment."
Nalaglag ang aking panga at ang pisngi ko ay nag-init. Nakuha ko kung ano ang tinutukoy niya. Mukhang nasiyahan naman siya sa reaksyon ko dahil may multo ng ngiti sa kaniyang labi.
"Ah... M-Magluluto na ako." Agad na akong sumibat, dahil hindi ko na matagalan na makasama siya. Iniwasan ko siya at ang natumbang cabinet.
Halos tumakbo ako makalabas lang agad ng kuwarto. Nakangiti ang dalawang tauhan sa may kusina nang makita ako. Mukhang hinihintay nila na ipaghanda ko sila ng almusal.
"Good morning," bati ko sa kanila.
Pumasok iyong cute na tauhan at tinanguan niya ako. Ramdam ko ang presensya ni boss sa aking likuran kaya sinimulan ko na agad ang paghahanda ng almusal, kahit na gusto ko pa sanang kausapin ang tauhan niya.
Malinis ang lababo. Hinugasan nila ang mga pinagkainan nila kagabi.
Mabuti naman.
Tanghali na at matatagalan pa kapag nagsaing ako. Ano kaya ang lulutuin ko? Nakita ko ang ilang balot ng mga loaf bread. Kasya ito para sa kanilang lahat. Ito na lang.
Nagprito ako ng itlog, sausage at ham. Nag-brew ng kape. Tama na siguro 'to.
Bumawi na lang sila ng kain mamaya.
Aagahan ko na lang magluto ng tanghalian para hindi sila magutuman.
"Breakfast is ready!" sigaw ko. Hindi na nagpabebe pa ang mga tauhan. Pumasok na ang unang batch na kakain. Ang ilan ay binati pa ako. Mukhang nakukuha ko na ang loob nila.
Candy, hindi pa din niyon mababago ang katotohanan na mga kriminal sila. Huwag kang pakampante.
Habang kumakain sila, nilabas ko na din mula sa freezer ang lulutuin ko para sa tanghalian.
Nang matapos kumain ang first batch, nilinis ko ang mesa. Sa second batch naman sumabay ng kain si boss. Kahit boss siya sumasalo siya sa tauhan niya.
Mabait? I don't think so. Isa siyang demonyo na nagkatawang tao.
Mariin kong tinignan si boss habang kumakain. Marunong gumamit ng kubyertos, na akala mo kumakain sa isang fine dining restaurant.
Laking mayaman siguro siya. Well, paano nga naman niya maa-afford ang ganitong buhay kung hindi siya mayaman.
Tumingin ako sa kisame nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Halos mangalay na ang aking leeg, dahil hindi pa din niya inaalis ang tingin sa akin.
"Go to your room."
Binitbit ko ang plato ko na may lamang pagkain, saka ako umalis ng kusina ng hindi tumitingin sa kaniya. Nilapag ko ang dala kong plato sa maliit na mesa sa gilid ng kama.
Naalala ko na naman ang plano kong pagtakas. Wala pa akong naisiip na maayos na plano. Hindi ako basta-basta makatatakas sa dami ng tauhan ni boss.
Sumilip ako sa may bintana upang pag-aralan ang labas. May hindi kataasan ang bakod na kaya kong tawirin. Paglagpas doon, may mga ilang matataas na halaman at mga puno.
Gaano kaya kalapit ang isla mula rito? Kung malapit lang, siguro naman kayang-kaya kong languyin.
Lord, tulungan mo po ako. Gusto ko pong mamuhay ng matiwasay.