MORGAN BINALIKAN namin kinahapunan sa kakahuyan ang tauhan. Humihinga pa kahit tadtad na siya ng sugat at mga kagat mula sa langgam. "Naitawag ko na, boss," sabi ng isa sa tauhan sa akin. Sinipa ko ang lalake. Napabuga siya ng dugo kaya natalsikan ang aking damit. Sinipa ko siya ng isa pa. "f**k!" mura ni Sphinx nang tumama sa kaniya ang dura ng lalake. Tumawa siya at pagigil na tinadyakan ito sa tagiliran. "Apenas morra filho da puta!" pagmumura ni Sphinx, habang paulit-ulit itong tinatadyakan. Nalipat ang madilim na tingin ko kay Sphinx, habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa. "What?" maang naman niyang tanong nang mapansin niya ako. Umigting naman ang panga ko. "I hate serial rapist. That's all. It's not because I like your sweet Candy. Don't get the wrong idea." T

