Nagising ako dahil sa ingay ng motor mula sa labas. Magliliwanag pa lang sa labas. Hindi pa sumisikat ang araw. I wonder what was that. Hindi kaya mga kalaban? Napansin ko na wala na ang mag-ama sa aking tabi kaya mas dumoble pa ang kaba na aking nararamdaman. What is happening? Lumabas ako ng silid. Napakatahimik ng buong kabahayan. Tanging mga dim lights sa dingding lang ang nakabukas. I guess tulog pa ang lahat maliban na lang sa aking mag-ama na hindi ko alam kung saan nagpunta? Tinungo ko ang maindoor ngunit hindi ito agad binuksan. Sumilip muna ako sa bintana sa gilid. Nakita ko ang mag-ama ko roon sa may dalampasigan. Magkahawak ang kamay at tila ba may masinsinang pag-uusap o may hinihintay. Ilang metro naman ang layo ng isang hindi kalakihang vessel na parating. May bisita

