Huminto ako nang makarating na ako sa kakahuyan. Nilingon ko ang bahay at muli na naman akong napahikbi. May kung ano sa aking damdamin na hindi ko mawari. Sobrang bigat. Gustong-gusto kong tumakbo pabalik kay boss. Mula dito ay dinig pa din ang tuloy-tuloy na putukan sa pagitan nina boss at mga kalaban. Sana lang walang masaktan sa grupo ni Boss. Nanghihina ang mga tuhod ko, kaya pahinto-hinto ako. Bakit ba ako pumayag sa gusto ni boss? Nagpunas ako ng luha bago ako nagsimulang tumakbo ulit. Sobrang sakit ng dibdib at sobrang bigat ng pakiramdam ng aking katawan habang palayo ako nang palayo. Tumigil ako nang nasa gitna na ako ng kakahuyan upang habulin ang aking paghinga. Malakas na naman ang aking paghikbi. Parang gusto ko na lang ulit bumalik sa bahay. Ang hirap. Ang sakit sa pus

