Nakarinig ako ng sigaw. Ng putok ng baril. Ang lalake na nasa aking ibabaw ay natumba. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buong paligid. Habol ko ang aking paghinga habang ang aking mga talukap ay namimigat. Nilabanan ko ang nararamdaman kong panghihina, pero tuluyan ng nagdilim ang aking paningin. Narinig ko ang boses ni boss. Sumisigaw siya. Galit na galit. Gusto kong buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Kinakapos ako ng hangin. Is this the end of my life? I tried to speak, but I'm too weak. My throat felt dry. Mas lalo lang ding nanikip ang aking dibdib, kaya mariin kong pinikit ang aking mga mata. I can see lights, moving lights. Sinusundo na ba ako nina Mommy at Daddy? Makakasama ko na ba sila? Naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan mula sa lupa. Ha