Chapter 32 3rd Person's POV "Wait— sabi mo ako first love mo at first girlfriend. Nagsinungaling ka na naman ba?" tanong ni Sylvia na naniningkit ang mata. Lumingon si Kiel at bahagyang natawa. Tinanong kung anong ibig sabihin nito. Bahagyang humiwalay si Sylvia at tinuro ang dibdib ni Kiel. "Bakit kung makapagsalita ka parang na-experience mo na lahat iyon? Naiwan ka na ba? Ni-reject? Sinong tangang babae na gagawa 'non sa iyo at walang utak!" sigaw ni Sylvia. Hindi alam ni Sylvia kung saan siya maiinis. Doon ba sa idea na may nan-reject kay Kiel o doon sa idea na may ibang minahal si Kiel at pangalawa siya. "Ikaw." "Tanga siya at walang utak! Ang gwapo-gwapo mo tapos— wait? Ha?" Huli na noong na-realize ni Sylvia ang sinagot ni Kiel. Tinuro niya ang sariki. "Ako?" tanong ni