Chapter 30 3rd Person's POV "Abel? Saan ka pupunta?" Napatigil si Abel at lumingon. Nakita niya si Sylvia kasunod si Kiel pababa. Nakabihis na ang dalawa at mukhang kakain ng dinner. "Tumawag si Elliot pinapupunta ako ng hospital," ani ni Abel. Napatigil si Sylvia at tinanong kung anong nangyari. Kung ayos lang ba sina Kian. "Ha? Ayos lang naman sina sir Kian at miss Summer. Pinapupunta ako ni Abel doon dahil kailangan niya ng moral support. Mababaliw daw siya katitingin sa dalawa na mukhang balak gawing crime scene ang hospital," ani ni Abel na natatawa. Natawa si Sylvia. "Send my regards to him, Abel," ani ni Sylvia. Napatigil si Abel at tinanong kung kanino. "Kay sir Kian?" tanong ni Abel. Tumawa si Sylvia at sumagot ng no. Sinabi niyang kay Elliot. Napailing na lang si Kie