Chapter 21 3rd Person's POV "Kiel?" "May ibang pamilya ng mom ko. Pangalawa niya kaming pamilya at after ng divorce bumalik siya sa una niyang asawa at sa mga anak niya," sagot ni Kiel. Tinanong ni Sylvia kung galit ba siya sa ina niya. "Hindi, because I understand her," tanong ni Kiel. Napatigil si Sylvia. May something sa mga mata ni Kiel na hindi maintindihan ni Sylvia. Nakikita ni Sylvia na hindi na komportable si Kiel kaya imbis magtanong ay niyakap ni Sylvia ang leeg ni Kiel. "I'm sorry kung nagtanong pa ako," ani ni Sylvia. Hindi nagsalita si Kiel. Ngayon naisip iyon ni Kiel— bahagya niyang tiningnan si Sylvia. He's wondering kung iiwan ba din siya ni Sylvia pagkatapos malaman ang maitim niyang sekreto at makilala ang tunay na siya. "Kiel?" tawag ni Sylvia. Nakatingala