C H A P T E R 23 Pumihit papaalis ang sasakyan ni Drear matapos na matitigan ni Catharine ang mukha ng binata. Parang bigla siyang nakahinga nang maluwag at nahawakan pa ang dibdib. Bakit nagtatago ang walang hiyang iyon sa hoody jacket at sunglass? Parang tanga. Ngumiti siya kay Brent kahit na hindi niya alam ang pinag-uusapan ng tatlo, pero sa pagkagimbal niya ay lumapit sina Badong at Keron saka siya walang paalam na hinawakan sa braso. “T-Teka…” takang sabi niya sa dalawa. “Wait – bitiwan niyo siya. Sino ba kayo?” parang ginuhitan ng galit ang mukha ng Professor niya at saka maanagas na tiningnan sina Badong at Keron. “Wala kaming dapat na ipaliwanag sa iyo Prof. Kasama kami ni Miss Catharine at oras na para umuwi.” “Ayoko pa!” Naiiyak na nagpumiglas siya. “Mamaya na manong pang