C H A P T E R 20 Masama pa rin ang loob na bumaba si Catharine tatlong araw ang makalipas na masunog at mabutas ang palda niya dahil sa kasalanan ni Drear. Nang umakyat siya noong gabing iyon ay dumiretso na siya sa pagtulog at ilang minuto naman ay sumunod si Drear pero walang imik. Hindi man lang nag-sorry sa kanya at walang sinabi kaya balot na balot niya ang sarili ng kumot nang matulog at kung bakit naman sa sofa natulog ang demonyo. Umiiwas talaga na masita sa kasalanan. At kinabukasan ay wala na sa kwarto, hindi umuwi ng buong maghapon at sumunod na araw ay wala pa rin. Nagtataka siya at imposible naman na dahil lang iyon sa limang palda na nabutas. Ayaw naman niyang magtanong kahit na hinahanap din naman niya. Nasa paa na siya ng hagdan ay kandahaba ang leeg niya na patingin-ting