C H A P T E R 15 Natilihan si Catharine nang sumilip siyasa pintuan ng guest room kinagabihan at nakita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa may barandilya ng balcony, habang walang humpay sa pagtungga ng alak. Malamlam na ang ilaw pero kilalang-kilala niya ang kabuuan ng lalaki – si Drear. Drear o Dark, hindi niya alam kung alin ang totoo nitong pangalan at ni apelyido nga ay hindi rin niya alam. Natuwa naman siya kanina dahil parang nasarapan naman ito sa luto niya at pati ang mga kasamahan. Kaya lang bakit nang dumating ang abogado ay parang nag-umpisa na itong malungkot at hindi maipinta ang mukha. Marunong din pala itong malungkot? Nakagat niya ang daliri nang parang magpahid ito ng mata. Umiiyak ba ito? Patingin-tingin ito sa napakalawak na kabuuan ng second floor, tapos