“I’M SORRY,” mabilis niyang sabi nang mapagtanto na ibang lalaki ang nasa harapan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya nang dismaya, gayong ayaw niyang makita ito. “It’s okay, miss. I find it…” Talagang binitin nito ang sasabihin. “I mean your breath? Ughhh… so good, babe.” Kinagat pa nito ang ibabang labi. Dahil sa mga sinabi nito, kilabot ang naramdaman niya. Mabilis na lumayo siya rito. Bigla siyang nandiri. Hot naman itong tingnan, kaso ganoon ang pakiramdam niya kapag estranghero. Actually, halos sa mga lalaking nagpapakita sa kanya nang pagka-agresibo, pandidiri ang nararamdaman niya. Kinikilabutan pa siya kung minsan sobra ang pagka-bold nito sa harap niya. Hindi sinasadyang napatingin siya sa hallway, isang pamilyar na likod ang nakita niya. Hind