“MRS. GUZMAN? Estelle Guzman mismo? Ang asawa ko ang nagpiyansa sa akin?” pagkaklaro ni Kurt. For sure, pinuntahan ni Amelia si Estelle para ipaalam ang kalagayan niya. Masaya naman siya pero hindi ba deserve niya ang makulong? “Yes, Mr. Guzman. May iba pa po ba kayong asawa?” Natatawang tanong ng pulis. Hindi na lang umimik si Kurt. Kung ang asawa niya nga, baka handa na itong pakinggan at patawarin siya. Hindi kaya? Sa isiping iyon, napangiti siya habang hinihintay ang pagbubukas ng selda niya. Wala siyang kasama sa selda dahil binigyan siya nang special treatment. Kamag-anak kasi ng kaibigan niyang si Ross ang chief ng istasyon na ito. Nakarating na rin kasi sa kaibigan ang nangyari sa kanya. Hindi pa siya matagal na nakakulong pero helpless na siya kanina. Kaya nga pumasok agad