HINDI maiwasang kabahan ni Kurt nang makarating sa bahay nila. Late na kasi. Siguradong tulog na tulog na si Estelle. Baka mamaya magalit ito dahil ngayon lang siya nakabalik. Pagkagaling sa airport diretso na siya rito para maibigay sa asawa ang pinapabili nito. Pasado alas dos na ng madaling-araw kaya wala na talagang sasalubong sa kanya. Kahit ang anak ay siguradong tulog na rin. Nagmadali siyang umakyat ng hagdan nang marating iyon. Nakangiti na siya noon. Siguro naman may sagot na ang asawa niya sa proposal niya dahil dala na niya ang buko nito. At syempre, rose apple nito— No. Rose apple ni Asher. Agh! Dahan-dahan pa siyang pumasok ng silid nila nang makrating. Siguradong magugulat ito paggising nito dahil dala na niya ang pinapabili nito. Natigilan sa paghakbang si Kurt nang map