Alas-diyes ang appointment niya sa A&E Liquors pero wala pang 8am ay nasa tapat na siya ng kumpanya na iyon. Ipinaalam niya sa guard na aplikante siya kaya pinaupo siya nito sa pinakadulong bahagi ng visitor’s area since 10am pa naman daw ang appointment niya. Habang nagpapalipas ng oras, nagbasa siya ng magazine na inabot ng guard. Tinuro din nito sa kanya ang ilang kinalalagyan nito kung gusto pa raw niyang magbasa. Napataas siya ng kilay nang makita ang mga nagugwapuhang modelo ng alak na iyon. Mag-iisang taon na pala ang kumpanya na ito. Nakikita na niya ang mga commercial ng mga alak na ito at meron na rin sa mga groceries. Medyo mahal nga lang. Pero meron silang brand na swak sa budget ng mga mahihirap lang. Talagang gumawa ang mga ito ng alak na nababase sa status ng mga tao. Kay