Mabilis na tinungo ni Philipp ang opisina ni Menardo pagkalabas sa silid ni Lorraine, marahil ay may sasabihin itong importante kaya siya nito hinahanap. Pagdating ay agad na kumatok, bubuksan na sana siya nang bumukas 'yon at mukha ni Salvacion ang nakita habang si Menardo ay abala sa kausap nito sa telepono. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay tila hindi maganda ang balitang sinasabi ng kausap nito sa kabilang linya. Maang silang naghintay ni Salvacion hanggang sa ibaba nito ang telepono. "Ano'ng sabi, sir?" halos sabayan nilang usisa ni Salvacion. "May transaksyon ang mga Black Oregon na hindi naitimbre sa 'tin," sagot nito saka umupo sa kanyang upuan. "Sila ang dahilan kaya maraming bata ngayon ang nawawala," dagdag nito. Mabilis nitong binuksan ang kanyang laptop, doon ay pinadal