Nagkatinginan sila ni Nuñez nang sabayang tumunog ang cell phone nila, agad na kinabahan si Philipp nang makitang si Black Scorpion ang natawag. Samantalang si Nuñez naman ay si Adriatico ang natawag. Nagbuga muna ng hangin si Philipp bago sagutin ang tawag ni Black Scorpion, sana lang ay huwag nitong sabihing hawak nito si Black Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag nagkataon. "Hello?" pormal na tinig niya, hindi ipinahalatang nag-alala siya. "Mukhang relax na relax ka, Francisco," puna nito. "Ano'ng kailangan mo," straight to the point na tanong dito. Tumawa ito. "Oh well, tumawag lang ako para malaman ang kondisyon ni Guevarra," anito na kinagaan ng kanyang dibdib. Buong akala talaga niya ay hawak na nito si Lorraine. "Huwag kang mag-alala dahil buhay na buhay

