Naging madalas ang pagkikita nina Zayn at Mikaella matapos ang date nila, noong una ay hirap ang huli dahil umaasa pa rin siyang babalikan siya ni Philipp pero habang tumatagal na nakikilala si Zayn ay tila nahuhulog na ang loob dito. Bukod kasi sa maasikaso ay mukhang napapasaya rin siya nito kaya hindi maiwasang muling maulit ang gabing magkasalo sila sa kama. "Don't tell me, sisigawan mo na naman ako?" nakangiting turan ni Zayn nang mamulatan ito. Napangiti si Mikaella. "Hindi naman na ako ganoon kalasing para hindi malaman na kusa akong sumama sa 'yo," sagot niya sa hirit nito. Natawa si Zayn. "So nice to see you smiling," anito saka niya niyakap si Mikaella sa ilalim ng makapal na kumot. "Zayn," angil nito nang maramdaman ang nakakakiliting sensasyon na dulot ng pagkakadikit