Saktong ala una na ng hapon nang pumasok ako sa mismong room ko. Namumuo pa rin ang galit sa aking mukha. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. I should he happy and feeling thankful for Lucas because he saved me from that dangerous guy pero kasalungat ang nararamdaman ko. Eh, sa halip na sasabihin niyang "Okay ka lang?" ay pagagalitan ba naman ako? Aba? Parang kasalanan ko pa atang sa akin umaaligid ang mga mokong na 'yon? Damn him! May pataas -taas boses pa siyang nalalaman? Kinalma ko na lang ang sarili ko. I just put my focus to my professor na siyang kakarating lang. He just started his lesson. Doon ko itinuon ang atensyon ko at pinilit na huwag na lamang na isipin ang mga pinaggagawa ng Lucas na 'yon. Tulad ng nakasanayan, alas dos y media nang matapos ang klase namin. Kailang