Tahimik akong nakaupo sa loob ng sinehan. Hindi pa naman nagsimula ang movie kaya nakaupo muna kami dito habang hinihintay na magsimula ang movie. Totoo nga ang sinasabi ni Lucas, he got two seats. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa "yon gayong pwedeng-pwede namang huwag na lang. Bukod sa nagsasayang lang siya ng pera ay nakakailang din tingnan lalo na't kami lang ang nasa gitna ng bakantent upuan. Nasa sentro tuloy kami ng mga mata ng mga tao sa sinehan. A few moments later, the movie started. Romance ang movie kaya hindi ko maiwasang mabored lalo na't hindi naman talaga ako fan ng genre na ito. . Sci-fic is my favorite genre. Gusto ko iyong may halong adventure at incentions ng siyensya. Tiningnan ko si Licas, halata namang nag-enjoy siya sa panonood. Ni isang beses ay hindi niya