Alas kuwtro nang umuwi ako. Hindi ko na hinintay pa si Andra na mag-out sa kanyang klase total ay kabisado ko na naman ang daanan pauwi. After a couple of months staying in this city- sa Cebu City ay nalaman ko na ang mga pasikot-sikot na daan. Pati kung paano kumilos ang mga tao. Nang makarating sa tapat ng bahay ay ang kotse ni Daddy kaagad ang naaninag ng mga mata ko. Naka-park ito sa labas kaya alam kong nasa loob na siya. I quickly go inside the house. Mabilis iyon lalo na't nasa akin pa ang notebook na kinuha ko sa cabinet nila Mommy. Siguro nga sobrang importante ng notebook na ito. Sabi pa nga ni Lucas ay kailangan raw hindi ko ito mawala at maibalik kaagad sa kung saan ito nakatago. I think this note is so valuable to us. Lalo na sa business namin. "Sigurado ka bang wal

