Lucas's POV "Ikaw ang panganay, Lucas kaya sa'yo nakadepende ang kompanya. Hiwalayan mo ang babaeng 'yon o ako mismo ang maglalayo sa inyo sa isa't-isa. I can do what I want, lalo na sa pamilyang 'yon," singhal ni Daddy sa'kin. Nakayuko lang ako dito sa harap ng opisina niya. He's still wounded in his left side belly pero sa katawan ni Dad ay wala lang 'yon sa kanya. Inangat ko ang tingin ko kay Daddy. Sa halip na maawa ako sa kanya ay iba ang nararamdaman ko. I feel like I hated him instead. Bakit kailangan pa niyang gawin 'to? In the first place, pamilya ang may kasalanan namin noon pa man pero bakit kailangan pang sila Ari pa ang magiit sa paghihirap? "Bakit ako na lang palagi, Dad? Si Vince hindi mo naman kinokontrol ah! " hindi ko mapigilan ang mapasigaw. Dammit! I should fi