Kabanata 4

3271 Words
"Ang lalaking iyon ay si Lucas. He's one of the Montemayors na siyang hinahangad ng lahat dito sa campus. Being with them or even touching them is a big deal kaya ganoon na lamang ang reaksiyon ng mga babae sa video dahil ni isa, wala pang nakatanggi sa mga iyon..."  Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Andra sa'kin. Really?  Ganoon sila ka sikat?  Daig pa nila ang mga celebrities, ah!  "Nahihiya ako dahil sa dami ng tao kaya hindi ko tinanggap ang kamay niya. And damn! I don't know him, Andra!" I cut her off.  Sa inis ko, halos mapasigaw na ako.  "Pero hindi 'yan ang nasa eksena ng video, Ari.  Kitang kita na nakatayo ka lang sa gilid ng ring, hinahayaang matamaan ka ng bola at higit sa lahat ay ang mapansin ka niya na siyang dahilan upang magmukha kang papansin." Damn! It is so exaggerating! Wala sa isip ko 'yon, for pete's sake! Saka bakit ko naman gagawin 'yon?  To hurt myself just to catch someone's attention?  Huh!  Asa siya!  Kung gaano man siya kasikat, pwes ibahin niya ako!  I'm not like those girls na panay ang titig sa kanila. They're just a student at student din ako. Wala kaming pinagkaiba kayang walang rason paea tratuhin ko sila nang mala-diyos.  "O-okay. Nangyari na 'yon. All I want is to stop all of this. My God Andra, hindi ako sanay sa ganito!" Wika ko pa.  Humingang malalim si Andra na animo'y isang malaking pagkakamali ang nagawa ko kahapon.  Hindi ako sanay na sa akin ang atensyon ng mga tao. Lalo na't alam kong maraming babae ang nagkakandarapa sa mga 'yon at lahat sila galit sa'kin.  "Ari, hindi ito basta basta mawawala.  Lucas is the top heartrob in this campus kaya lahat updated sa kanya. Ni lugar ng pinagkainan niya ay inaabangan ng mga kababaihang humahanga sa kanya. Paano pa sa video na 'yon?" Napalunok laway na lamang ako. Ano ba itong pinasok mo, Ari? Well, hindi ko naman masisisi ang sarili ko.  I'm new in this campus at malay ko bang sikat ang mga 'yon?  Kung hindi lang sana ako sumama kay Cresia kahapon, kung nanatili lang sana ako sa ground ay sana hindi ito nangyayari.  Hindi ako sanay na ako ang pinag-uusapan at mas lalong hindi ako sanay na binabash nang harap harapan. Dammit! I want to finish my studies peacefully!  "Alright, paano ko ito lulutasin?" I seriously said. Crossing my arm, I look at Andra's eyes intently.  Napataas kilay na lamang si Andra. "Talk to him. Siya lang ang makakatulong sa'yo,  Ari." Mahinang wika ni Andra sa'kin.  Well, iyon lang naman pala. Talk to him, Ari. Simply as that. I tried to ignore all humiliations and embarrassments lalo na nang sumapit ang break time. Hindi ko nakita ang mga Montemayor sa ground kaya mas lalo akong nainis sa sarili ko.  Nasaan ba iyong mga kumag na 'yon?!  I already feel the hate. Naramdaman ko ang inis at galit ng mga babaeng humahanga sa Lucas na iyon habang tinatahak ang kahabaan ng ground. Lahat ng tingin nila'y sa'kin nakatuon. I want to escape their pointed glares pero wala akong ibang magawa kung hindi ang yumuko na lamang.  Makita lang talaga kitang Lucas ka. Every Tuesday, apat lang ang subjects ko kaya ginugol ko ang oras ko sa paghahanap kay Lucas sa buong campus pero wala akong makita.  I already went to the place in this university that I am not familiar with.  I already went to Building of Engineering pero wala rin siya doon.  Habang nililibot ang buong unibersidad ay iba-ibang mga mata rin ang sumasagupa sa'kin.  Even in the the building of education ay may mga babae paring matinik akong tinitingnan. Really?  Anong meron sa lalaking 'yon ni lahat ng babae dito sa campus hinahangaan siya?  Naalerto ako nang marinig ang tawanan ng kalalakihan sa gitna ng aking paglalakad.  Those laughs are came from the backyard if I am not mistaken.  Sa pagbabakasakaling ang mga Montemayor ito ay marahan ko itong nilapitan.  This place is not familiar to me.  May malaking puno na makikita mo kahit hindi ka pa nakarating sa backyard. The place is cold at presko ang hangin.  This place is quite good for resting.  Napahinto sila sa pagtatawanan nang mapansin ang presensya ko.  Got you! Nandito ka lang palang Lucas ka.  Ngayon, lilinawin ko na ang lahat. Tumayo ang lalaking nakatama ng bola sa'kin kahapon at kung hindi ako nagkakamali, ito ang Lucas na tinutukoy ni Andra.  He's wearing a v-neck shirt and a blue jeans.  Nakasumbrero siya kaya medyo bad boy ang dating.  His look is so different from the last time I saw him. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya akong tiningnan. From mu eyes, he turned his vision to my head where the ball hit.  "Ipapagamot sana kita kahapon pero, tumakbo ka..." His cold and manly voice made me out of myself.  Hindi ko na lang namalayan na nakatayo na pala siya sa harapan ko.  Damn!  Magsalita ka, Ari!  "Lucas, Right?  Okay, wala akong ibang intensyon dito kung hindi ang burahin sa isip ng mga tao ang tungkol kahapon." Pinadali ko na ang usapan. He smirk. Hindi ko alam kung bakit pati simpleng ngiwi niya lang ay nakakaagaw pansin na.  Now, I know why do girls obsessing for him.  His jaw reveals as he smirk. Ang makapal niyang kilay ay nakakaagaw pansin lalo na't tinitigan mo siya nang matagal. His smiles are so eye-catching at kapag kaharap mo siyang nakangiti wala ka nang ibang mapapansin pa kung hindi dimples niya at mga ngiting nakaka-agaw pansin.  Huminga ako nang malalim. Trying to clear my thoughts for him.  Hindi ito ang pakay mo dito, Ari.  Baka kasi makalimutan mo.  "Anong nakakatawa sa sinasabi ko?" I said sarcastically.  Nilipat ko ang tingin sa mga kasama niya sa likuran.  They're looking at us kaya mas umapaw pa ang hiya ko.  "Alright, hindi madali ang hinihingi mo sa'kin Miss," Marahan niya akong nilapitan kaya marahan rin akong humakbang paatras. "Unless, you'll accept my favor," He whispered coldy. Amoy na amoy ko ang hininga niya't ang pabango niyang kahit sinong babae ay mapapabilog niya.  Don't, Ari. Whatever will happen, don't accept his favor. Ayaw mo na ng gulo hindi pa?  Paniguradong gulo nanaman ito.  Napalunok laway na lamang ako. Looking at his eyes made me feel conscious. Ngayon ko lang siya nakita nang mas malapitan. Ang mataman niyang pagngiti ay nagpapanginig ng mga tuhod ko.  "Deal?" He whispered, again. Nag-eecho ang mahinang bulong na iyon sa tainga ko.Damn him! Nakakaraming bulong na siya, ah!  Hindi kaagad ako nakasagot. I remained silent for a couple of seconds.  "A-anong ibig mong sabihin?" Utal na tanong ko. Yumuko ako sa itinuon ang atensyon sa lupa kaysa sa mga mata niya. Hindi ko na yata kayang tingnan siya sa mukha.  Damn you, Lucas.  "Well, kung gusto mong maging tahimik ang buhay sa unibersidad na ito, taliwas sa panunukso... Just deal with my favor." Seryoso niyang sambit.  Nalilito tuloy ako. Ano ba kasing nais niya at nang matapos na 'to! I want to end from all of this!  "A-anong favor ba 'yan?" Utal na tanong ko. Pinilit kong humakbang paatras pero hindi ko magawa. Para bang nakokontrol na niya pati ang sistema ko.  I told you, Ari. Don't get some interest about his favor! He smirk. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiwi niyang iyon pero nakakaagaw pansin.  "Magpapanggap kang girlfriend ko." Sambit nito na siyang nagpapatuyo ng lalamunan ko.  Inangat niya ang paningin ko gamit ang kanyang hinlalaki. Ngayon ay kitang kita ko na ang mga mata niya. Kumikinang ang imahe ko sa malinaw niyang mga mata. His thick eyebrows are so damn attractive. I put my vision down to his lips, mamulamula ito lalo na sa tuwing kinakagat niya ang pang-ibabang labi niya.  Sa pangalawang pagkakataon, iniwas kong muli ang paningin ko sa kanya. Para kasing may bumubuong kakaiba sa utak ko kapag nakikita ko ang mukha niya.  I remained silent. Ilang beses kong sinubukang magsalita pero hindi ko magawa. Siguro ay dahil sa mga nakakaagaw pansin niyang ginagawa sa harapan ko.  Silent means yes, Ari! Say something!  "Alright. Sasabihin ko na lang sa'yo ang tungkol sa deal mamaya," May kinuha siyang papel sa bulsa niya at saka ibinigay sa'kin. "Put your number here, itetext ko na lang ang lugar kung saan tayo magkikita." Wika nito habang ramdam na ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.  Wala akong nagawa kung hindi isulat ang numero ko sa papel na inilahad niya sa harapan ko.  Hindi ko na namalayang nakaalis na pala siya sa harapan ko. I quickly run away from them.  Habang naghihintay kay Andra sa study area ay hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang tingin mula sa mga babaeng tumatambay rito. They keep on whispering na kung hindi ako nagkakamali ay tungkol sa'kin.  Pinilit kong huwag pansinin sila. Well, iilang araw na lang at aayusin na ito ni Lucas. He promised me to make this right sa pamamagitan ng pagpayag ko sa alok niya, and I trust him.  Laking tuwa ko nang makarating si Andra. Kaagad rin akong sumunod sa kanya at saka pumasok sa kotse.  "Nakausap ko na siya. " Kanina pa talaga ako kating-kati na sabihin 'to kay Andra, eh.  Kaagad kong naramdaman ang gulat sa kanyang mga mata. Sa halip na paandarin ang kotse ay humarap ito sa'kin na animo'y sabik na malaman ang kung anumang sasabihin ko.  "Really? A-anong sinabi niya? "  "He offered me a favor." Mahina kong tugon.  Hindi ko alam kung matutuwa ba si Andra sa sasabihin ko o mainis.  "What? I mean, really?" Masigla niya tugon.  "Yes. Sabi niya ay aayusin daw niya lahat at iyon ay kung papayag ako sa pabor niya. "  "Paalala ko lang sa'yo Ari ha, huwag kang magpapauto diyan kay Lucas, hindi mo pa siya kilala and? Don't try, I am warn you." Tugon nito na animo'y ganoon na ka delikado ang makikipag-areglo sa lalaking iyon. Naramdaman ko tuloy ang takot sa sinasabi ni Andra. "Anong favor ba 'yan? Siguraduhin mong hindi ka mapapahamak diyan." Pagpapatuloy nito.  Napalunok laway na lamang ako. Ewan ko kung bakit pero dapat hindi na sana ako pumayag sa pabor na iyon, eh. Kinakabahan ako na baka mas lalala lang ang sitwasyon.  "Hmmm? A-ano, may ipapagawa lang siyang school works," I said with sincerity just to assure her that there's nothing to be worried about.  Alas singko na nang makauwi ako sa bahay. Iilang minuto pa lang mula nang nakarating ako ay kaagad ko ring natanggap ang message mula sa hindi kilalang numero.  Unknown: Magkita tayo sa cafeteria na malapit sa Robinson Mall, at exactly seven in the evening. Aasahan kong darating ka.  Hindi na ako nagulat pa sa message na 'yon. Kaagad akong nagbihis ng damit panlakad at saka nagpaalam kay Mommy na may bibilhin lang saglit sa Mall.  Wearing a red mini skirt and a spaghetti shirt, mataman akong nag-abang ng taxi. Salamat at iilang minuto rin ay may dumating. Tahimik ako buong byahe sa taxi. I just keep on scrolling the feed of my f*******: account to kill the boredness. Wala akong ibang hangad sa lakad na ito kung hindi ang ma-solve ang problema kong ito.  Maingay na siyudad ang kaagad sumalingat sa'kin sa tapat ng Robinson. Medyo mahaba ang traffic kaya medyo marami ang sasakyang nakatengga sa kalsada. Kaagad kong nilibot ang buong paningin sa kabuuang lugar. It is my first time to come in here. Naalala ko tuloy iyong palaging bilin sa'kin ni Mommy kapag may lalakarin ako nang mag-isa.  "Huwag mabahala. Maraming kawatan na nagliliparan sa eskeneta."  Well, noon pa man ay naririnig ko na sa balita sa TV na marami talagang magnanakaw na nagliliparan dito sa siyudad lalo na raw sa Colon, hindi pa ako nakapunta sa lugar na binaggit ni Mommy pero at least, aware na ako.  Tanaw ko ang mga taong nakatambay sa seaside ng mall. The moonlight is so clear dahilan upang maaliw ang mga taong nakatingin dito. Malamig man ang bugso ng hangin pero hindi sila natinag doon.  Now, I finally witness how Cebuano loves every piece of nature.  Itinuon ko ang atensyon sa harap ng Robinson na kung saan makikita ang cafeteria daw sabi ni Lucas. Well, tama nga siya.  Seing the high class café made me feel so excited. Alam kong masasarap ang pagkain nila sa loob. Hindi pa naman ako kumain.  Marahan akong tumawid sa pedestrian at nang makarating sa mismong cafeteria ay hindi na ako nakapaghintay na pumasok. Isang guard ang nagbukas ng pinto nang akma ko na sana itong buksan. He greeted me with a wide smile. I smiled back. Nilibot ko ang kabuuang cafeteria pero walang Lucas ang nadatnan ko sa loob. Tinaas ko ang kilay ko kasabay ang pagsilip sa relos ko. It's already beyond the agreed time. Ang akala ko'y nandito siya at naghihintay na pero wala.  Hayop na Lucas 'yon, ah? I check my watch and seing the time made me feel exhausted. Damn him! Malapit nang mag-alas otso at wala pa siya? Umupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa cashier. I check my phone pero wala siyang text.  Really?  Hindi kaya'y nakalimutan niyang may kasunduan kami ngayon?  Iilang minuto pa at wala pa rin siya. Kapag aabot 'to ng thirty minutes ay uuwi na talaga ako. "Excuse me, Ma'am," Napalingon ako sa gilid nang marinig ang isang lalaking nasa kuwarenta na ang edad. Well, he's the waiter here. "Ikaw po ba si Aria Isabel Tuazon?" Tanong pa nito sa'kin.  Tumango na lamang ako bilang sagot.  "Naghihintay na po sa inyo si Sir sa loob," He lead me the way using his right hand. Napataas kilay na lamang ako. Looking at the way he pointed at. Alam kong patungo ito sa VIP room kung saan mga mayayaman lang at espesyal na event ang nandidito. Ano'ng ibig sabihin nito? This is not a date! For Pete's sake! Marahan kong tinahak ang daan na itinuro sa'kin ng waiter. Ramdam ang ginaw at kaba sa bawat paghakbang ko. Bakit kailangan pa niyang kumuha ng VIP room gayong mag-uusap lang naman kami tungkol sa pabor na 'yon?! Hindi pa ako nakarating sa mismong lugar ay naaninag na ng mga mata ko si Lucas na pormal na nakaupo kaharap ang lamesang may wine at cake sa harapan.  Anong pakulo ba 'to? Kunot noo akong umupo sa tapat niya. Akmang titingnan ko na sana siya nang mapansin ang malagkit niyang tingin sa'kin. Gamit ang peripheral vision ko ay kitang kita ko ang marahan niyang pagsilip sa kanyang relo. "I told you Seven, not Eight," He said seriously kasabay ang pagtaas ng kanyang kilay. Umigting ang kanyang panga dahilan upang maramdaman ko ang inis sa kanyang boses.  "Hindi mo naman sinasabing nasa VIP ka pala. I've been waiting for you outside." Pagpapaliwanag ko pa. Ang arte mo kasi, may pa VIP VIP ka pang nalalaman, eh? Mag-uusap lang naman tayo tungkol sa favor na 'yon! "Tu-tungkol sa favor?" I swallowed my own saliva when I saw him.  Hindi ko na namalayan kanina ang suot niya pero seing him right now make me shock!  Wearing his white long sleeves makes him look so formal. Nakaayon sa istilo ang buhok nito. The way he look at me is like he's looking at his food. Malagkit at anumang oras ay babanatan na niya.   Huwag kang assuming Ari, baka may ka-date pa 'to kaya nakaayos. Umupo ako sa tapat kung nasaan siya nakaupo. Ibinaba ko na lang ang tingin sa sahig at saka sumimsim ng kunti sa wine sa harap ko. I can't see him clearly. Lalo na ngayong alam kong nakakailang siyang tingnan.  "Well, discuss it, may lakad pa ako." Wika ko pa. Hindi ko ata kayang kaharap siya. Okay sana kung tulad ito kanina na kung saan nasa likuran ang mga kaibigan niya but damn! Kami lang dalawa ang nandito! At sa VIP pa! "Well, all you have to do is just to assume as my girlfriend. May kailangan lang akong hiwalayan kaya kapag nagawa ko na 'yon ay tapos na rin ang pagpanggap natin," Wika nito. Sumimsim rin siya ng kunting wine at saka muling tumingin sa'kin and for the second time, I avoid his looks. Dammit! At ako pa talaga ang nakuha niyang instrumento sa mga kabaliwan niya? Paano kung sa'kin magagalit ang girlfriend niyang iyon? Edi mas lalala lang ang sitwasyon! "Wait lang, ah. Do you mean na ako ang gagamitin mo para hiwalayan iyang girlfriend mo, right? Paano kung sa'kin magalit 'yon? Anong magagawa mo?" utas ko pa. Hindi ko hahayaang basta basta na lang niyang guguluhin ang pag-aaral ko sa unibersidad na 'yon! Giving permission with hid deal is like puting my like in hell. Alam kong maraming babaeng umaaligid sa kanya at mas lalo lang akong pagdidiskitaan ng mga 'yon kapag pumayag pa ako.  Agad akong naalerto nang marahan niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Napalunok ulit ako ng laway at saka pinilit na mapaatras pero hindi magawa dahil sa upuang humaharang. "Trust me... Okay?" He whispered. Naamoy ko ang naghahalong alak sa kanyang bibig at pabango sa kanyang katawan. Kaagad rin siyang bumalik sa pwesto at saka umupo nang maayos. Humiwa ako ng kunting cake sa harapan at saka ito isinubo. Ang akala ko pa naman ay makakain ako ng marami dito. I didn't expect na ganito pa la ka pormal ang pagkikita namin. "At tulad ng pinag-usapan natin. Don't worry, I'll make sure na mawawala sa mga mata ng tao ang tungkol sa video." Nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko. Mabuti naman at ganoon. "Wala ka na bang ibang sasabihin?" Wika ko pa. Baka kasi may lakad pa siya at nakakabahala pa ako. At isa pa, damn! Baka hihimatayin na ako dito dahil sa mga pinaggagawa niya. "Don't want to enioy the food first before we leave?" Wika nito na siyang nagpapatuyo ng lalamunan ko. This is not a date, right? "Baka may ibang lakad ka pa..." I cut him off. Kaagad niya akong tinapunan ng matinik na tingin. Iyong tingin na parang sinusuyo niya ang mukha ko hanggang sa pinakamaliit na parte. He's glare made me feel conscious!  "Sa tingin mo? Maghihintay ba ako rito nang matagal kung may ibang lakad pa ako? Hmmm?" Seryoso niyang tugon. Hindi pa rin niya inalis ang tinging nagpapatunaw sa'kin.  Ilang beses ko nang napansin ang pag-tiim bagang niya at sa mga sandaling iyon, mas naramdaman ko kung paano at gaano ka delikado kung magalit siya.  "O-okay," Itinuon ko na lang ang atensyon sa cake na nasa harapan. Relax lang Ari, matatapos din 'to. Iilang minutong katahimikan sa loob ay tumikhim siya dahilan upang mapaangat ang tingin ko. "Kaano-ano mo si Alejandra?" He asked. "Pinsan ko." Tipid na sagot ko. Kapag nagtagal pa 'to ay hindi ko na talaga kayang manatili pa. Parang tinatahi ang bibig ko sa katahimikang dulot nito. May pagkakataong nagkakatama ang tingin namin pero ako na mismo ang umiwas doon habang siya ay alam kong nakatitig lang sa'kin. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ako safe kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay kung may anong balak siya lalo na tuwing napapansin ko ang mga titig niya sa'kin. Ilang minuto pa at agad rin siyang nagyayang umuwi. Laking pasalamat ko at nainip din ang isang 'to. Sa totoong lang, kanina pa talaga ako gustong umuwi iyon ay kung hindi lang niya ako pinigilan.  Pagkalabas namin ng cafeteria ay malamig na hangin kaagad ang sumalubong sa'min. It is already ten o'clock in the evening kaya malamig na ang bawat bugso ng hangin. "Wait me here." He said in a cold baritone voice. Gamit ang pangingin ko ay sinundan ko siya hanggang sa makarating siya kung saan nakapark ang kanyang kotse. He's wearing a plain white long sleeve and a black skinny jeans. Ito ang unang pagkakataong makita siyang pormal ang suot kaya nakakamangha lang. I didn't expect na may igaganda pa pala ang mukha niya and, I find it better when he wear formal suits. He open me a door at hinayaan akong makapasok sa front seat. Pinilit kong maipaliban muna ang hiya habang nakaupo sa tabi niya. Malimit ko siyang ninakawan ng tingin gamit ang rear view mirror ng kanyang sasakyan.  Seryoso siyang nagmamaneho. Mas nakakaagaw pansin kapag nagkatama ang dalawa niyang kilay. You can't see any black heads in his face but the smoothness in it. I can't blame those girls na nababaliw sa kanya. Hindi ko pa naman siya gaanong kilala pero I think he already have everything where every girls want. Where every girls obsessed. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD