LUCAS'S POV "Ibigay mo itong sulat kay Ari, Vince," wala akong enerhiyang ibinigay sa kapatid ko ang sulat na siyang palagi kong kinagawiang gawin. Nasanay na rin akong sa ganito na lang muna kami mag-uusap. Nasanay na rin akong tinta at papel lang ang siyang tulay ng aming pag-uusap. Wala pa naman akong magagawa. Nasa kay Daddy pa ang pabor ngayon. Nasa kay Daddy pa ang desisyon kaya kailangan kong sumumod at magkunwaring ginusto ang nais niya. Alam kong malapit na. Malapit ko na ring maayos ang lahat. Kunting tiis lang, Ari. Kunti na lang at makausap at mayakap na rin kita. Mahal kong Aria. "Nakailang bigay ka na ba sa'kin ngayong araw, Kuya? Nakakabahala ka na ah. Ginawa niyo akong tulay ni Ari sa pagmamahalan ninyo, " reklamo ni Vince pero tinanggap rin naman niya ang sulat

