Kinabukasan, nagising na lamang akong may naramdamang sakit sa noo. Napasapo ako ng noo habang inaalala ang nangyari kagabi. Buti na lang at weekend ngayon kaya walang pasok. Kapag ito nangyari sa week days ay tiyak na mapipilitan akong magpaliban ng araw sa klase. So, this is what they called hangover. Hindi ko inakalang ganito pala talaga iyon. It's more worser than I thought. Iyong tipong parang ito na ang pinakamasakit sa ulo na nararamdaman ko. Napaangat ako ng tingin. Pinilit na maalala ang nangyari kagabi pero ni isang katiting ay wala na akong matandaaan. Tanging ang pagsayaw ko na lang sa dance floor ang natitira at huling ala-ala ang nasa aking isipan. Now I know why other people became so disgusting when they're drunk. Totoo ngang nakalalimot ka kapag wala ka na sa implu