Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Ni pagtawag ni Mommy sa labas ng kuwarto ko ay hindi ko na pinansin dahil sa sobrang antok. Mamayang gabi pa naman ang acquaintance party namin kaya pwede pa akong bumawi sa tulog kong nabawasan dahil sa kay Lucas kagabi. Alas dyes nang magising ako. Dumiretso na ako sa kusina para kumain at pagkatapos nun ay muli na naman akong bumalik sa kuwarto upang ipagpatuloy ang pagtulog. I set my alarm clock for three o'clock dahil alam kong narito na si Lucas sa mga oras na 'yan para sunduin ako. Kagabi, hating gabi na nang umuwi si Lucas. Though I slept in his arms pero hindi pa rin sapat 'yon lalo na't hindi tuloy-tuloy ang tulog ko. He always make ne weke lalo na sa tuwing hinahalikan niya ang mga labi ko nang bahagya. Ewan ko kung anong trip niya